isa sa mga paboritong meryenda ng mga pinoy.
Ang pancit canton, hindi nawawala tuwing may salu salo, o tuwing may okasyon na icecelebrate
dito nagmula ang sikat na linyang "pare, pacanton ka naman!"
Noon, ang canton ay pinaghahandaan bago gawin, kinakailangan munang ihanda ng maigi ang lahat ng mga sangkap bago makagawa ng masarap na canton.
marami itong sahog gaya ng hipon, repolyo, carrots at marami pang iba
pero wag dapat kalimutan ang calamansi para sa mas masarap at may konting asim na canton
kaya noon ay parang medyo matagal bago makapag canton dahil kelangan pa ng maiging paghahanda at tamang mga sangkap para sa isang masarap na canton.
Ngayon, ang canton
kung ikukumpara nyo sa naunang litrato ay parang mas nakakatakam yung nauna kesa sa canton na ito.
Walang sahog, mamantika, at masyadong plain
dahil ang canton na ito ay instant
ang mga canton ngayon na makikita natin ay madaling makuha at gawin hindi mo na kelangan pa ng mahabang proseso para lang makapagcanton
unang una, konting pakulo lang ay lumalambot agad at pagkatapos lumambot konting lagay ng mga sangkap na kasama na sa package at konting tusok lang at konting paikot ikot ng tinidor ay pwede ka nang magcanton
Hindi lang yan, habang tumatagal ang panahon ay nadadagdagan ang mga instant canton na makukuha sa murang halaga
minsan pa nga'y sila na mismo ang nagpapalambot at naghahanda ng sangkap at wala ka nang dapat gawin kundi hintayin ang mainit na canton
meron pa, noon ang canton na ito na manilaw nilaw ay iisa lang ngayon may iba't iba nang flavor!
ngayon ay marami ka nang pagpipilian kung anong canton ang gusto mo, meron syempre ang original, meron ding maasim, merong maalat alat, merong maanghang, merong medyo matamis
depende sa iyong gusto kung anong canton ang gusto mo, dahil madali lang namang gawin ang canton sa panahon ngayon
at dahil madali na nga itong gawin, ay hindi natin maide-deny na parami na ng parami ang mga nagpapacanton dahil ito ay mura at hindi na kelangan pa ng matagal na paghahanda para lang mag canton.
Pero kadalasan ay piyesta pa din tuwing nakakakita tayo ng canton



No comments:
Post a Comment